Republic of the Philippines Department of Education Region IV – A CALABARZON DIVISION OF ANTIPOLO CITY UNANG MARKAHANG PAGSUSUSLIT S.Y. 2014-2015
ARALING PANLIPUNAN 7 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot. I. KAALAMAN (13 ITEMS) 1. Ang mundo ay hinati sa pitong kontinente at ang Asya ang pinakamalaki dito. Sa ilang rehiyon naman nahahati ang Asya? A. 5 C. 7 B. 6 D. 8 2. Ang Mt. Everest sa bansang Nepal ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, saang rehiyon sa Asya ito matatagpuan? A. Kanlurang Asya C. Silangang Asya B. Timog-Silangan Asya D. Timog Asya 3. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo ay ganitong uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may mga damuhang mataas na malalalim ang ugat na matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at maging sa Manchuria? A. Steppe C. Prairie B. Savanna D. Tundra 4. Isa ang Pilipinas sa mga lugar sa mundo na palagiang nililindol at madalas ang pagputok ng mga bulkan. Ito ay sa kadahilanang tayo ay nasa bahagi ng _____________. A. Ekwador C. Pacific belt B. Pacific Ring of Fire D. Pacific Ocean 5. Kung ang Timog-Silangang Asya ay mayaman sa mga kagubatan, anong likas na yaman naman ang matatagpuan sa Kanlurang Asya? A. Troso at Punong kahoy C. Langis at Gas B. Ginto at Pilak D. Hayop at mga Halaman 6. Batay sa resulta ng pananaliksik ng mga eksperto,tinatayang nasa apatnapung porsyento (40%) ng populasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko ay namumuhay sa mga lungsod. Ang mabilis na pagtaas ng antas ng urbanisasyon sa Asya ay nakapagdudulot ng labis na epekto sa kapaligiran nito. Alin sa mga suliraning pangkapaligiran sa ibaba na bunsod ng urbanisasyon ang lubhang napakasalimuot at epekto ng lahat ng usaping pangkalikasan? A. problema sa solid waste C. pagkawasak ng kagubatan B. polusyon sa hangin at tubig D. pagkasira ng biodiversity 7. Tumutukoy ito sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabangan nito. A. Desertification C. Siltation B. Salinization D. Deforestation 8. Nahahati ang mga Asyano sa iba’t ibang pangkat batay na rin sa kultura, wika, at etnisidad na kinabibilangan. Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito? A. Etniko
C. Etnolinggwistiko
B. Linggwahe
D. Social network
9. Alin sa mga sumusunod ang nagiging batayan ng pagpapangkat ng tao? A. Kasuotan C. Tirahan B. Pagkain D. Wika 10. Ang mga Arabo ay matatagpuan sa Kanlurang Asya. Anong wika ang kanilang ginagamit? A. Arabic C.Mandarin B.Ingles D. Tagalog 11. Ang Tsina ay bansang may pinakamalaking populasyon sa buong daigdig dahilan upang magbigay ng di mabuting epekto sa pamumuhay ng mga mamamayan ng bansa. Taong 1979, nagpatupad ang bansa ng pamamaraan upang makontrol ang suliranin ukol dito. Ano ang tawag dito? A. Contraception C. One Child Policy B. Sterilization D. Child Protection Policy 12. Malaking suliranin din sa Pilipinas ang lumolobong populasyon na nagiging ugat ng maraming problema ng bawat isa sa atin kaya naman isinulong ng pamahalaan ang Republic Act 10354. Ano pa ang ibang katawagan sa batas na ito? A. Reproductive Health Law B. Family Planning and Safety Law C. Freedom of Informartion on Family Planning Law d. Responsible Family Law 13. Ito ay matatagpuan sa Timog na bahagi ng Asya, isang bansang pulo na siya ring pinakamaliit na populasyon sa nasabing kontinente. Anong bansa ito? A. Indonesia C. Maldives B. Taiwan D. Plipinas II. PAGPROSESO/KAKAYAHAN (17 ITEMS) Panuto: Pagtapat-tapatin. Hanapin ang tinutukoy ng mga salita sa Kolum A sa Kolum B. Isulat sa patlang ang tamang sagot. A. B. ______14. Rainforest ______15. Taiga ______16. Disyerto ______17. Grassland ______18. Tundra
A. Dahil sa lamig sa mga lugar na ito hindi tumutubo ang puno dito B. Dahil sa nagtataasang mga puno na matatagpuan sa paligid ng mga bundok nito napakahalaga nito sa mga magtrotroso C. Dahil sa yaman ng mga lugar na ito sa kagubatan makikita dito ang iba’t ibang uri ng halaman at hayop D. Tinatayang ¼ ng kalupaan sa mundo ay damuhan na binubuo ng steppe, prairie at savanna E. Dahil malalawak na buhanginan nito, natuto ang mga tao ditong magpastol ng mga hayop
Panuto: Sanhi at Bunga. Hanapin sa kahon sa ibaba ang sanhi ng mga sumusunod na epekto ng mga suliraning pangkapaligiran. Isulat ang sagot sa patlang. 19. Ang pagdami ng tao sa mga lungsod mula sa mga malalayong lugar ay nagreresulta ng pagdami ng mga depressed areas na mataas ang insidente ng pagkakasakit at iba pang panganib sa kalusugan. __________
20. Ang pangaabuso sa mga lupain tulad ng maling paraan ng pagtatanim ay nagreresulta ng pagkawala ng kakayahan nito na mapagtaniman na maaring maging dahilan ng kakapusan ng ani. __________ 21. Masama ang dulot nito sa natural ecosystem sapagkat ang likas na yaman ng mga kagubatan ay nawawala tulad ng mga hayop at halaman. __________ 22. Dahil sa malawakang paggamit ng petrolyo sa mga industriya at mga sasakyan nagreresulta ito ng pagbaba ng kalidad ng hangin maging ang maling pagtatapon ng basura na nagiging dahilan upang makontamina ang mga ilog at dagat. ___________ 23. Dahil sa kawalan ng kakayahan ng mga bansa na itapon nag kanilang mga basura nagreresulta ito upang makontamina ang hangin, tubig at maging lupa na malaking suliranin sa mga tao dito. __________
Deforestation Pollution
Desertification Urbanisasyon Problema sa Solid Waste
Panuto: Analohiya. Suriin ang kaisipan sa bawat bilang. Ilagay ang angkop na salita sa patlang. Titik lamang ang isulat. 24. Arabs: Kanlurang Asya; ___________: Timog Asya A. Tajiks C. Balinese B. Ngalops D. Manchu 25. Balinese: __________; Arabs: Islam A. Hinduism B. Christian
C. Islam D. Animism
26. Pinakamalaking populasyon: China; Pinakamaliit na populasyon: ________ A. Armenia B. Maldives
C. Georgia D. Mongolia
27. ______________: dami ng tao sa isang lugar; Population Growth Rate: Bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa bawat taon A. Migrasyon C. Transasyon B. Populasyon D. Census 28. Literacy Rate: Bahagdan ng marunong bumasa at sumulat Illiteracy Rate: ________________ A. Bahagdan ng di marunong bumasa subalit nakasusulat B. Bahagdan ng di marunong sumulat subalit nakakabasa C. Bahagdan ng di marunong bumasa at sumulat D. Bahagdan ng di marunong bumasa 29. Life expectancy: Inaasahang haba ng buhay; _________________: Bahagdan ng dami ng namamatay na tao A. Mortality Rate C. Growth Rate B. Fertility Rate D. Death Rate 30. Sanhi ng malaking populasyon: Kakulangan sa edukasyon; Epekto ng malaking populasyon: ____________________ A. Katiwalian C. Pagtaas ng Krimen
B. Paglago ng kabuhayan
D. kahirapan sa nakararami
III. PAG-UNAWA (20 ITEMS) 31. Iba’t iba ang katangian heyograpikal ng kontinente ng Asya kaya naman iba’t iba ding ang paraan ng pamumuhay ng mga tao dito. Ang mga taong nakatira sa kapatagan ay nagsasaka at nagpapastol, samantalang ang mga nakatira sa matataas na lupain at mga kagubatan ay nangangaso upang mabuhay. Anong pinapatunayan nito? A. Ang mga tao ay umaasa lamang sa likas na yaman ng isang lugar B. Kailangan humanap ang tao ng mga lugar na angkop sa kanyang pamumuhay C. Malaking impluwensya ang katangian heyograpikal sa mga tao dito D. Kailangang alagaan kapaligiran upang patuloy na mapakinabangan ito ng tao 32. Paano nakatutulong ang mga linya sa globo sa paghahanap ng lokasyon sa mundo? A. Sa pamamagitan ng mga linyang ito mas madali at eksakto nating nalalaman ang lokasyon ng isang lugar B. Nagbibigay ito ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang lugar o bansa C. Natutukoy sa pamamagitan ng mga linyang ito ang eksaktong katangian ng isang lugar o bansa D. Lahat ng nabanggit 33. Paano isinagawa ang paghahati hati ng mga rehiyon sa Asya? A. Hinati ito ayon sa pisikal na katangian ng bawat lugar B. Isinaalang alang sa paghahati ang kultura at kasaysayan ng mga lugar C. Hinati ito ayon sa pulitikal na salik ng mga lugar D. Lahat ng nabanggit 34. Bakit iba iba ang vegetation cover sa Asya? A. Sapagkat iba iba ang uri ng lupa dito B. Sapagkat iba iba ang klima na nakakaapekto sa mga lugar dito C. Sapagkat iba iba ang mga taong lumilinang sa mga lugar dito D. Sapagkat iba iba ang mga halamang tumutubo dito 35. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at ang mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito? A. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig. B. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog na ito. C. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha. D. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan. 36. Batay sa larawan, ano ang pinakaangkop na konseptong maaaring mabuo tungkol sa kahalagahan ng ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang kapaligiran?
A. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning kapaligiran at ekolohikal. B. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at pagpapalaganap ng wastong paggamit ng likas na yaman. C. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyakna makaaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig D. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na henerasyon The public as well as the Bruhat Bangalore Mahanagara Palike (BBMP) is causing direct contamination of groundwater and the municipal waste disposal and management is not organised in the city, CGWB scientist Dr. M. A. Farooqui said while delivering a lecture on 'Ground water management in Bangalore Metropolitan region' at the Geological Society of India on May 25. "BBMP is supposed to collect solid waste from houses in small bins and then transfer it to community bins. The waste is subsequently to be carried to the disposal site. Random dumping all around the metropolis is rampant, causing environmental pollution of land, water, and air from garbage dumps that are set afire,” he added. 37. Sa bahaging ito ng artikulo, ang hindi wastong pagtatapon ng solid waste o basura ay isang malaking suliraning pangkapaligiran sa Bangalore,India. Ang kawalan ng pasilidad at epektibong pamamahala upang itapon ito sa maayos na pamamaraan ang mga dahilan nito. Alin sa sumusunod ang malaking epekto sa kapaligiran ng Bangalore, India ng walang habas na pagtatapon ng basura kung saan-saan? A. Nahaharangan ang mga daluyan ng tubig sa mga estero at ilog B. Nanunuot sa lupa ang ilang mga maasido at organikong materyal C. Nakokontamina o narurumihan ang hangin, tubig at maging ang lupa D. Nahahalo ang nakakalasong katas nito sa tubig na iniinom at sa tubig na dumadaloy sa irigasyon Dagliang pagkilos kinakailangan upang hamunin ang kawalan ng parusa sa mga may sala, ipagtanggol ang mamamayan at tugunan ang ugat ng krisis sa kapaligiran.
38. Ano ang iyong naunawaan tungkol sa slogan pangkapaligiran sa itaas? A. Pinalala ang problema ng kawalan ng sistematikong pagsubaybay o impormasyon tungkol sa usapin ng karapatang pantao at isyung pangkalikasan. B. Programa ng pamahalaan ang isyu tungkol sa kapaligiran. C. Ang pagmulat sa mga mamamayan tungkol sa problema sa kapaligiran. D. Suliranin mahirap bigyan ng solusyon sa pagdaan ng panahon. 39. Ang lahat ng pahayag ay dahilan ng pagkasira ang ating kapaligiran sa kabila ng naabot na modernisasyon at abanteng sibilisasyon maliban sa isa? A. Dahil sa paglobo ng populasyon sa dumarami ang demand at bumababa ang supply ng produkto. B. Sa kapakinabangan o productivity ng lupa nito nakaasa ang mga produktong agrikultural na tumutustos sa kabuhayan ng mga mamamayan. C. Ang pagkakaiba at pagiging katangi-tangi ng katangian ng mga tao ang nagsisilbing hadlang upang masolusyunan ang problema sa kalikasan. D. Ang hindi tamang pagtatapon ng basura ay nagdudulot ng problemang pangkalusugan sa mga tao at problemang ekolohikal naman sa kalikasan
40. Sa kabila ng pagkakaiba-iba nating mga Asyano, paano ka magiging instrumento ng kapayapaan at pagkakaisa? A. pag-aaralan ko ang lahat ng kultura, wika, at tradisyon ng mga kapwa ko Asyano B. papasyal ako sa mga ibang bansa sa Asya upang maunawaan ko ang pamumuhay nila C. makikipagtulungan ako sa proyekto ng pamahalaan na nagsusulong sa pagtutulungan ng mga Asyano D. Makikipagkaibigan ako sa mga Asyanong umaangkin ng teritoryo ng ating bansa para maiwasan ang gulo 41. Alin sa mga sumusunod ang pinakaposibleng mangyari sa bansang walang iisang opisyal na wikang ginagamit? A. May pagkakaisa ang mga mamamayan. B. Tiyak na uunlad ang pamumuhay ng mga mamayan. C. May mga hindi pagkakaunawaang personal ang mga tao. D. Tiyak ang kaguluhan sa pakikipagtransaksyon ng mga tao 42. Isa pang batayan ng pagpapangkat ng mga tao ay ang etnisidad. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa etnisidad? A. Ito ay isang uri ng fraternity B. Ito ay grupo ng magkakaibigan C. Ito ay mistulang kamag-anakan D. Ito ay sistema ng pag-uuri ng tao sa lipunan 43. Ano ang magandang epekto ng pagkakaroon ng iba’t ibang pangkat-etniko sa mga rehiyon ng Asya? A. Nagkakaroon ng mayamang kultura sa mga rehiyon ng Asya B .Nagkakaroon ng mga iba’t ibang kompetisyon ang mga bansa C. Nakakapagtatag ang mga bansa ng samahang pangrehiyon sa Asya D. Nagkakaroon ng pagtutulungan at pagkakaisa ang mga rehiyon sa Asya 44. Ang Asya ay may malawak na lupain at nahahati sa limang rehiyon. Bakit nagkakaroon ng iba’t ibang pangkat-etniko sa Asya? A. Dahil hiwa-hiwalay ang mga kalupaan na bumubuo sa Asya B. Dahil magkakaiba ang mga paniniwala, tradisyon, klima, at heograpiya C. Dahil sa mga digmaang bunga ng hindi pagkakaunawaan ng mga Asyano D. Dahil sa iba’t ibang pilosopiyang pinaniniwalaan at sinusunod ng mga tao 45. Bilang Asyano, ano ang nararapat mong pagtanaw sa mga kapwa mo Asyano kahit nabibilang sila sa ibang pangkat-etnolinggwistiko? A. Kakompetisyon sa lahat ng aspeto sa buhay B. Kapwa taong nilikha ng Diyos na dapat respetuhin C. Hindi dapat pinapansin hangga’t walang ginagawang masama D. Mas mababang uri ng nilalang na hindi dapat pag-ukulan ng panahon Panuto: Suriin ang talahanayan ukol sa bahagdan ng mga marunong bumasa sa ilang mga bansa sa Asya
Bansa Afghanistan Bahrain Armenia Kazakhstan Japan China Singapore Laos Nepal Bangladesh
Bahagdan ng Marunong Bumasa 29% 94.6 % 99.6% 99.5% 99% 92.2% 92.5% 73% 60.3% 56.8%
46. Batay sa talahanayan anong bansa ang may pinakamataas at pinakamababang bahagdan ng marunong bumasa? A. Kazakhstan at Bangladesh C. Japan at Nepal
B. Armenia at Afghanistan D. Bahrain at Laos 47. Ano ang posibleng epekto ng pagkakaroon ng mataas na bahagdan ng marunong bumasa? A. Malaki ang maitutulong sa pagpapaunlad ng antas ng edukasyon B. Mapapataas ang relihiyon at ispiritwalidad ng mga mamamayan C. Mababawasan ang kahirapan ng bansa D. Magkakaroon ng katatagang pulitikal
48. Ano ang epekto ng mababang bahagdan ng marunong bumasa sa bansa? A. Makakaapekto sa personal na pagpapalago ng buhay B. Makakaapekto sa pagpapaunlad ng ekonomiya C. Makakaapekto sa pagpapaunlad ng relihiyon D. Makakaapekto sa pagbuo ng pamilya Bansa Singapore Japan Yemen Jordan South Korea North Korea Afghanistan Bangladesh Laos Israel
Haba ng Inaasahang Buhay 82.06 82.17 63.36 79.92 78.81 64.13 44.65 60.63 56.96 80.86
49. Batay sa talahanayan, anong bansa ang may pinakamataas at pinakamababang taon ng haba ng buhay? A. Israel at Laos C. Singapore at Bangladesh B. Japan at Yemen D. Japan at Afghanistan 50. Ano ang posibleng dahilan ng pagkakaroon ng mataas na bilang ng taon ng haba ng buhay? A. Maayos na pangangalaga ng pamahalaan sa kanilang mamamayan B. Maayos na serbisyong pangkalusugan C. Mahusay na sistema ng edukasyon D. Saganang likas na yaman
Inihanda ni: Mga Guro sa AP7 Division of Antipolo City