ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA TIMOG ASYA Dito nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa lambak ng Indus River. Indus River Dumadaloy ito sa Kasalukuyang India at Pakistan. Sinasabing dito umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro. ANG
HARAPPA AT MOHENJO-DARO Natuklasan sa lambak Indus. Umusbong noong 2700 BC. Itinatag ng mga Dravidian. Planado at malalapad ang kalsada. Hugis parisukat ang mga gusali. Malawak ang espasyo ng kabahayan at may mga palikuran ang mga bahay (alkantarilya o sewerage system.
DRAVIDIAN Ang mga unang tao sa India. Nanirahan sa maliliit na pamayanan. Nasa mababang bahagi ang kanilang mga lupain. Nakipagkalakalan sa Bachulistan sa kanlurang Pakistan. Nakuha nila ang bakal, mamahaling bato at tabla. Produkto (bulak, butil at tela) Nag-aalaga ng elepante, tupa at kambing. DRAVIDIAN May pamantayan ng timbang at sukat (ginto at butil) Artisano (tanso, bronse at ginto) Mayroon itong pagpapangkat, ang mga mangangalakal ay nakatira sa mga bahay na may tatlong palapag at moog. Nagtatag sila ng daungan sa Arabian Sea para sa pkikipagkalakalan. Nakipagkalakalan sila sa Sumer Walang kilalang pinuno sa kasalukuyan dahil hindi mabasa ang isinulat. Narating ang rurok noong 2000 BC subalit humina matapos ang isang milenyo. MGA POSIBLENG DAHILAN NG PAGBAGSAK NG HARAPPA AT MOHENJO-DARO 1. Pagkaubos ng mga puno, labis na pagbaha at pagbabago ng klima. 2. Pagkakaroon ng lindol at pagsabog ng bulkan. 3. Pagkatuyo ng Sarasvati River na naging sanhi ng pagtatapos ang Harappa noong 1900 BC. 4. Paglusob ng mga Aryan. Aryan Nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush. Nakarating sa Timog Asya dahil sa Khyber . Matatangkad at mapuputi. ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 BC) ARYAN Nagtungo sa kanlurang Europe, timog-silangang Persia at India. Dinala nila rito ang wikang Indo-European. Sanskrit- wikang klasikal ng panitikang Indian na nabibilang sa Indo-European. Hindi at Bengali- mula sa Indo-European. Arya- marangaral Ang kaalanam sa kanila ay mababasa sa mga aklat na tinatawag na Vedas. VEDAS Tinipong himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga sawikain at mga salaysay. APAT NA URI NG VEDA 1. Rig Veda 2. Sama Veda 3. Yajur Veda 4. Atharva Veda ARYAN Dinala ang kanilang diyos at kultura (pinangingibabawan ng lalaki) Natuto silang magsaka. Nasakop nila ang hialagang India (1100 BC)
Lipunang Aryan a. Maharlikang mandirigma b. Pari c. Karaniwang mamamayan. ARYAN Ang isang antas ay maaring lumipat sa isang antas. Ang mandirigma ay pinipili upang mamuno. May tungkulin para sa babae at lalaki. Mga Pagbabago ng Sakupin ng mga Aryan ang Indus Naging mahigpit at masalimuot ang lipunan. Nagkaroon ng mga kaharian at ang pamumuno ay minamana. Naging mahalaga ang mga pari. Nabuo ang sistemang caste. CASTE SYSTEM Pagkakahati ng lipunan sa Indus. BRAHMIN Kaparian KSATRIYA Mandirigma VAISYA Mangangalakal, artisan, magsasakang may lupa SUDRA Magsasakang walang lupa, Dravidian, inapo ng Aryan na nakapag-asawa bg hindi Aryan PARIAH Naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay, nagbibitay ng criminal PAGBUO NG MGA KAHARIAN AT IMPERYO (500 B.C.E.- 500 C.E.) Aryan Mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyon ng Punjab, nagsimula nilang tunguhin ang bahaging pasilangan. 600 B.C.E. 16 pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa kapatagan ng hilagang India mula sa kasalukuyang Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang dito ang Magadha, Kosala, Kuru, at Gandhara. 500 B.C.E. ang malaking bahagi ng hilagang India ay pinanirahan at sinaka ng mga Aryan. • Ang dating payak na pamamahala ng mga pinuno sa maliliit na pamayanan ay napalitan ng mas malalaking estadong nasa ilalim ng monarkiyang namamana. Ang mga umuunlad na estadong ito ay nangailangang mangolekta ng buwis mula sa mga opisyal, magtatag ng mga hukbo, at magtayo ng mga bagong lungsod at lansangan. Magadha Isa sa mga pinakamatatag at pinakamasaganang kaharian sa bahagi ng Ganges River. Nagtataglay ito ng mineral na bakal, matabang lupain, mayamang kagubatan na pinagkukunan ng mga tabla, at elepante na mahalaga sa panahon ng digmaan at pagsasaka. Bimbisara (545-494 B.C.E.) Isa sa mahusay na pinuno ng Magadha Nagpagawa siya ng mga kalsada, isinaayos ang pangangasiwa sa mga pamayanan, at pinalakas ang kaharian kung ihahambing sa mga karatig-lugar. Lalo pang pinalawig ng sumusunod na pinuno ang teritoryo ng kaharian. Nang lumaon, nagawang mapamunuan ng Magadha ang kalakhang kapatagan ng Ganges at buong hilagang India hanggang Punjab. Ito ang naging pinakamalawak na kaharian sa panahong ito. Pataliputra Ang kabisera ng Magadha na ngayon ay makabagong Patna sa Bihar. Cyrus the Great Mula siya sa Persia ang sumalakay sa hilagang-kanlurang India. Darius Ang pumalit kay Cyrus na sumakop sa mga Lambak ng Indus at Punjab noong 518 B.C.E. Ang bahaging ito ng India ay napasailalim ng Persia sa loob ng halos dalawang siglo. Alexander The Great Mga Lungsod ng Persia Naging sentro ng kaalaman at kultura ang kalalakihan mula sa iba’t ibang kaharian ay maaaring makapag- aral. Mula sa Macedonia Tinalo niya ang mga Persian sa mga labanan bago tuluyang tinahak ang landas patungong India noong 327 B.C.E.
Natawid niya ang Indus River matapos talunin ang mga Persian at Indian. Nilisan ang India dahil sa tangkang pag-aalsa ng mga tauhan. Sa kanyang pagkamatay, walang naiwang mahusay na pinuno ang India. ANG MGA IMPERYO SA INDIA IMPERYONG MAURYA Nanatili sa Pataliputra ang kabisera. Sakop ng imperyo ang hilagang India at bahagi ng kasalukuyang Afghanistan. Chandragupta Maurya Noong 322 B.C.E., nasakop niya ang dating kaharian ng Magadha at tinungo ang mga naiwang lupain ni Alexander. Kautilya Tagapayo ni Chandragupta Maurya Ang may akda ng Arthasastra-naglalaman ito ng mga kaisipan hinggil sa pangangasiwa at estratehiyang politikal. Ashoka o Asoka (269-232 B.C.E.) Ang kinikilalang pinakamahusay na pinuno ng Maurya at isa sa mahuhusay na pinuno sa kasaysayan ng daigdig. Matapos ang kaniyang madugong pakikibaka sa mga kalinga ng Orissa noong 261 B.C.E. na tinatayang 100,000 katao ang nasawi, tinalikdan niya ang karahasan at sinunod ang mga turo ni Buddha. Pagbagsak Nagsimulang humiwalay sa imperyo ang ilang mga estadong malayo sa kabisera. Sa pagbagsak ng Imperyong Maurya noong ikalawang siglo B.C.E. nagtagisan ng kapangyarihan ang mga stado ng India. Sa sumunod na limang siglo, ang hilaga at gitnang India ay nahati sa maliliit na kaharian at estado. IMPERYONG GUPTA Chandragupta I Ang nagtatag ng Imperyong Gupta. Chandragupta II Nakontrol uli ang hilagang India. Ang kabisera ng imperyo ay nasa Pataliputra. Itinuturing itong panahong klasikal ng India. Naging epektibo ang pangangasiwa samantalang ang panitikan, sining, at agham ay yumabong. Maunlad ang mga larangan ng astronomiya, matematika, at siruhiya (surgery) sa panahong ito. Kalidasa Ang kinikilalang pinakamahusay na manunulat at makata ng India, ay nabuhay sa panahong ito bagama’t hindi alam ang eksaktong petsa. Sakuntala Dula ni Kalidasana tinatayang isinulat niya noong ikaapat o ikalimang siglo C.E. ay hango mula sa kaisipang Hindu. Pagbagsak ng Imperyong Gupta Sa pagsapit ng ikaanim na siglo C.E., nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta sa kamay ng panibagong mananakop, ang mga White Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa Gitnang Asya. IMPERYONG MOGUL Babur Itinatag niya ang Mogul nang masakop nito ang hilagang India at Delhi noong 1526. Akbar Narating ng imperyo ang tugatog ng kapangyarihan sa ilalim ng kanyang pamumuno na namuno sa kabuuan ng hilagang India mula 1556 hanggang 1605. Nagpatupad siya ng kalayaan sa pananampalataya at makatarungang pangangasiwa. Shah Jahan Nagpatayo ng Taj Mahal at Aurangzeb nagbawal ng sugal, alak, prostitusyon,at sati (suttee) o pagsunog ng buhay sa mga biyuda. Pagbagsak ng Mogul Labis na humina ang Mogul dahil na rin sa pagdating ng makapangyarihang English sa India.