Planetang Daigdig (Kataga)
Kahulugan - Ito ang katatangi-tanging planeta kung saan pwede tayong mabuhay. Dito rin naninirahan ang mga buhay na organismo tulad ng halaman at hayop.
Kabuluhan – Dito tayo nakatira, kaya ito ay importante sa ating nabubuhay.
Mantle
(Kataga)
Kahulugan – Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi ng bato.
Kabuluhan – Ito ay nagsisilbing kadiin-diinan ng mundo o daigdig na nagsisilbing laman ng daigdig.
Plate
(Kataga)
Kahulugan – malalaking masa ng solidong
bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip ang mga ito ay gumagalaw na tila balsang inaanod sa mantle.
Kabuluhan - Ayon sa teoryang Tectonic Plate,
nagkaroon ng matitinding lindol at malalakas na pasabog ng mga bulkan sa ilalim ng Dagat Tsina, 225 milyong taon na ang nakalilipas. Ang putik ng ibinuga ng mga bulkang ito ay unti-unting tumigas at naging mga pulo at lupain sa ibabaw ng dagat. Nagkaroon din ng maraming malalakas na lindol na nagtulak at naghiwalay sa mga tumpok-tumpok na putik na galing sa mga bulkan. Ito ang naging Pilipinas.
Pagligid sa Araw
(Kataga) Kahulugan – Ito ang pag-ikot ng
planetang earth sa kanyang axis habang umiikot sa araw. Ito ang dahilan kung bakit mayroong umaga at gabi.
Kabuluhan – Ito ang dahilan kung bakit mayroon tayong umaga at gabi. Sa dalawang ito, marami tayong nagagawang iba’t ibang trabaho, karamihan ay pwede lamang sa araw at ang iba’y pwede sa gabi.
Longhitud at Latitud (Kataga)
Kahulugan – Longhitud – isang patayong
guhit na nag-uugnay sa pulong hilaga at pulong timog, kahanay ito ng punong meridyano at ginagamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan o pakanluran mula sa punong meridyano. Latitud - ito ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Pansukat ng layo ng isang lugar pahilaga at patimog mula sa ekwador. Kabuluhan - Ang Longhitud at Latitud, ay kinakailangan sa globo o mapa. Upang mas magiging madali para sa iyo ang paghahanap ng isang lugar. Paano nakaiimpluwensya/nakakaapekto ang naturang konsepto sa buhay ng tao at iba pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa kasalukuyan? Ang konsepto ng tao at iba pang nabubuhay ay ang syang gumagawa ng solusyon upang marisulbahan ang problema sa daigdig at ito rin gumagawa ng problema. Isang halimbawa ang teknolohiya. Ito ay ginagamit upang maging maayos o masmadali ang pamumuhay ng katauhan, ngunit alam natin na nakakaapekto rin ito sa ating mundo. Sa panahon natin ngayon, mahirap na talaga maiiwasan ang mga problemang pandaigdig. Ngunit gumagawa ang mga tao nang ibat-ibang bagay upang maiwasan ito.