LAGUNA MARCH Laguna, o Laguna, lalawigang marangal Tanging pinagpala, ng Butihing Bathala Supling mo ang pinili, na bayani ng lahi Kaparuhin at dangal, ng liping kayumanggi Laguna ang ‘yong pangalan, sagisag ng kagitingan Sa lawa mo’t kaparangan, mga bayani nahimlay Kadluan ng mithi’t pangarap, ng bukirin, bundok at gubat Ikaw Laguna ang buhay at aming patnubay CAVITE HYMN Bayang Cavite aking mahal Laging patnubay ng Maykapal Sa yakap mo ay langit ang buhay At laging makulay May isang siglo na ang nagdaan Bayan mong Kawit at kung saan Ay isinilang ang kalayaan Ang lahat ay nagdiwang CHORUS Cavite, Cavite lagi ka sa puso ko Cavite, Cavite buhay ko'y handog sa iyo Kung maapi lakas ko'y laan Ang maglingkod sayo'y kay gaan Cavite, Cavite lalawigan kong mahal Mahal kita Cavite Tangi lang sa Maykapal Himno ng Batangan (Official Hymn of Batangas) Batangas, bukal ng kadakilaan Ang pinakapuso ay Bulkang Taal Kaygandang malasin, payapa’t marangal Ngunit nagngangalit kapag nilapastangan Batangas, hiyas sa katagalugan May barong tagalog at bayaning tunay Mabini, Laurel, Recto, Diokno, Kalaw Agoncillo, Malvar sa bayan ay dangal. Batangas, mutya sa dulong silangan Bantayog ng sipag at kagandahan Sulo sa dambana nitong Inang Bayan Batangas, Batangas, ngayon at kailanman Batangas, bukal ng kadakilaan Ang pinakapuso ay Bulkang Taal Kaygandang malasin, payapa’t marangal Ngunit nagngangalit kapag nilapastangan Batangas, hiyas sa katagalugan May barong tagalog at bayaning tunay Mabini, Laurel, Recto, Diokno, Kalaw Agoncillo, Malvar sa bayan ay dangal.
MABUHAY ANG QUEZON PAYAPAT MARANGAL NA BAYAN MABUHAY ANG QUEZON PINAGBUKLOD NG PAG ASAT KATAPATAN MABUHAY ANG QUEZON SANDIGAN NG MAMAMAYAN SA DAKONG SILANGAN SUMILANG ANG MUNTING BAYAN SUMIBOL SA KASAGANAAN YAMAN AY KALIKASAN BUNDOK DAGAT KAPATAGAN PINAGYAMAN NG MGA MAMAMAYANG SAMASAMANG NAGKAKA ISA SA SIPAG AT TIYAGAY NAGTATAMASA HALINA AT PAGMASDAN LUNTIANG KAPALIGIRAN PUNONG NIYOG, PALAY, PRUTAS, HALAMANG GULAY, DAGAT NA BUGHAW SALAMIN NG KALINISAN AT KASAGANAAN ITO ANG AMING PINAG PALANG BAYAN KAYONG LAHAT MASISIYAHAN HALINAT MAGPASALAMAT SA DIYOS AMANG BUTIHIN BANAL NA KRUS ANG PATNUBAY NITONG AMING BAYANG ANGKIN MABUHAY ANG QUEZON KAUNLARA'Y KAMTIN MABUHAY ANG QUEZON PAYAPAT MARANGAL NA BAYAN MABUHAY ANG QUEZON PINAGBUKLOD NG PAG ASAT KATAPATAN MABUHAY ANG QUEZON SANDIGAN NG MAMAMAYAN MABUHAY MABUHAY MABUHAY ANG QUEZON
Rizal Mabuhay Official Hymn of Rizal Province I Rizal, Rizal Mabuhay Pangunahin kang lalawigan Sa kultura't kabuhayan Pinagpala ng Maykapal Buhay nami'y nakalaan Maglingkod sa Inang Bayan II Lalawigan kang tanging-tangi Mahal namin magpakaylan man III Ang mga Rizaleño'y masisikap Puso't diwa sa Diyos, bayan at sa kapwa Mapalad kami na taga-Rizal Sa pamumuno ng mga taong may dangal
Batangas kong mahal, ngayon at kailanman HIMNO NG QUEZON Quezon Hymn Composer: M. Francisco For Reference Only
Repeat I Repeat II (2x)