Pamagat ng Pelikula: Heneral Luna Tagpuan: Pilipinas (Kawit Cavite, Bulacan, Pampanga, etc). Buod ng Pelikula: Nagsimula ang kwento sa pagkwekwento ni Heneral Luna sa isang manunulat. Kwinekwento nya ang mga pangayayari na naganap. Nag umpisa ito sa pagtatalo ng mga miyembro ng gabinete Kung sana nabibilang si Antonio Luna at si Emilio Aguinaldo na kanilang senior presidente. Pinag-aawayan nila ang digmaan kontra Amerikano dahil unti unti na silang nasasakop ng mga ito. Sa huli ay nagsalita si Heneral ng pagalit dahil na din sa pagpupumilit ng mga maka-Amerikano na myembro na magpasakop nalang sa Amerioano para narin sa ekonomiya ng bansa. Nang natapos ang pagtitipon.na iyon, dahil nagpahiwatig ang mga Amerikano ng posibleng digmaan, humingi si Luna ng karagdagan sundalo sa isang kapitam ng kawit ngunit hindi ito sinunod dahil Kay Aguinaldo lamang susunod ito kaya't pinahiya ni Luna ang Kapitan sa kanyang mga sundalo. Nagsagawa ng taktikang plano si Luna Kung paano nila magagapi ang Amerikano. Ngunit, kulang sila ng dalawang libong sundalo. Dito ginamit ni Luna ang Artikulo Uno Kung sana nakapaloob na ang hindi sumunod sa punong heneral ng digmaan ay siyang tatanggalan ng ranggo at ipapatay ng walang paglilitis. Nakaipon si Luna ng 4,000 na libong tayo at nakakuha basin ng tren parte ng kanilang plano. Nagpatuloy ang digmaan at dumadami na ang namamatay. Nagkaroon uli ng pagtitpon ang mga miyembro ng gabinete kung saan nagsusulong si Paterno at Buencamino na pabor sa Amerikano. Dito nagalit si Luna at nagkasagutan sila ni Buencamino kaya't inutos ni Luna na arestuhin ang dalawa. Kinalaunan ay lalong tumindi ang digmaan kaya't humingi ng karagdagan sundalo si Luna sa isa pang heneral ngunit Hindi ito sinunod dahil Kay Aguinaldo lamang daw ito susunod. Dito nagkaroon ng pag-aaway ang dalawa at nagkita sila sa Pampanga kasama ang kanilang sari-sariling kawal. Habang nagyayari ito ay nilusob ng mga Amerikano ang kanilang kuta at sa bulk ay naaresto si Heneral Tomas dahil sa pag-uutos ni Aguinaldo. Dahil sa nangyaring paglusob, nagpunta si Luna Kay Aguinaldo at pinahayag ang kanyang pagbibitiw. Hindi ito tinanggap ni Aguinaldo at pinagbigyan sya sa kanyang plank na magtayo ng kuta sa Norte. Pinalaya na ni Aguinaldo si Buencamino at Paterno at dito siniraan ng dalawa si Luna Kay Aguinaldo. Kinalaunan ay nggpadala ng telegrama si Aguinaldo na agkakaron ng oagtitiponsa Kabanatuan dahil papalitan ang mga miyembro ng gabinete. Pagkarating ni Luna sa Cabanatuan ay Wala syang naabutan kundi mga kawal ni Aguinaldo kung saan pinagbabaril at pinagsasaksak ng marami si Luna. Nasaksihan ito ni Buencamino at sumuko na din sa nga nasal ang isa sa sundalo ni Luna. Ang huli ng Pelikula ay Kung saan tinatanggi ni Aguinaldo, Buencamino, at Paterno na may kinalaman sila sa pagpapatay Kay Luna. Sa pagsasalita ni Joven nagtapos ang kwento habang nasusunog ang bandila ng Pilipinas. Pagdidirehe: Naniniwala Kong nakapdepende sa direktor ang kagandahan ng isang pelikuka. Para sa akin, nagawa ng direktor ang kanyang trabaho sa pagdidirehe dahil ang Pelikula ay maganda, maayos, at kamangha mangha. Nagawa nyang paghaluin ang historya at ang kanyang sariling imahinasyon. Nakikita na binase sa historya ang kwento ngunit kapansin pansin din ang dinagdag at hinalong ideya ng direktor na lalong nagpaganda ng kwento. Maayos, malinaw, at sa tingin ko naman ay walang mahahanap na butas sa pagdidirehe ng direktor ng Pelikula. Nakakamangha na nagawa ng direktor maipakita sa Pelikula ang masalimuot na buhay ng isang bayaning si Antonio Luna.
Disenyong Pangproduksyon:
Sa tingin ko, ang kanilang disenyong pangproduksyon ang isa sa pinakamagandang taglay ng Pelikula. Mula kausotan hanggang lokasyon ay tips ba't binabalik tayo noong unang panahon. Sa ganda ng mga disenyong pangproduksyon katulad na lamang ng disenyo sa lugar at mga kasuotan ng mga tauhan, lalong naging kamangha mangha ang pelikula. Tila pinakita sa maraming taong hindi nabubuhay noon ang itsura ng mga Pilipinas at ng mga Pilipino noong panahon ng rebolusyonaryo. Halatang pinaghandaan ang Pelikula dahil na din sa dami ng disenyo at produksyon.
Sinematograpiya:
para sa akin, Wala naman akong nakitang kalabuan sa kalidad o palabas. Ang sinematograpiya ay malinaw mula umpisa hanggang huli. Nakakamangha din ang effects ng Pelikula dahil tila naging makatotohanan ang mga barilan at iba lang kamangha manghang aksyon na kinakailangan ng effects. Ang kamangha manghang sinemtograpiya ng Pelikula ay sayang isa sa kalakasan ng palabad na ito. Maari kasing hindi tangkilikin ang isang Pelikula kung Hindi maayos o malinaw ang palabas at hindi naman ito nangyari sa Heneral Luna sapagkat tinangkilik ito nang mga Pilipino simula nung ito ay pinalabas. Dito pa lamang ay nagpapatunay na maganda ang sinematograpiya ng palabas. Isama na din ang mga madudgong effects na ipinakita. May mga nakakadiring sitwasyon katulad nalamang ng nabaril sa ulo na sundalo na. Dito mas nagawang mukang makatotohanan ang palabas.
Ang Paglalapat ng Tunog at Musika:
Malaking tulong ang pagkakaroon ng Tunog at Musika sa Pelikula. Oo, may kaugnayan ito sa Pelikula dahil parte ito ng isang maayos at magandang palabas. Hindi man kapansin pansin ngunit para sa akin ay napakalaking ruling ang nagawa ng Tunog at Musika. Dito ay mas napapadali naming nararamdaman o naiintindihan ang damdaming nangingibabaw sa sitwasyon. Dahil din sa Tunog at Musika na ginamit sa Pelikula ay naipakita king gaano ka-intense ang sitwasyon sa Pelikula. Masasabi kong maayos ang pagkakalapt ng Tunog at musikang ginamit sa Pelikula.
Mensahe o Aral ng Pelikula:
Para sa akin, maraming mensahe ang nais ipabatid ng Pelikula. Pinapakita dito ang ibat ibang kaugalian ng Pilipino at ng mga may posisyon sa politika. Pinakita sa kwento kung gaano nagging makasarili ang ibang lider o myembro ng gabinete para sa kanilang sariling kapakinangabangan. Kinakalaban o kinokontra nila si Luna para sa kanilang kapakanan. Napagtanto ko na kaya hindi nagkakaisa ang mga Pilipino ay dahil kinakalaban naten
ang kapwa Pilipino. Dito ko napagtanto na malaking bagay ang pagtutulungan. Dahil sa oagtutulungan ng kapwa nagkakaroon ng tagumpay at nagiging isa ang isang bansa. Sa Pelikula, makikita naten na kinulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino kaya't sa huli ay nasakop sila ng mga Amerikano.
Ang pelikulang Heneral Luna ay nagpapaalala sa atin ng historya ng Pilipinas at kabayanihan ng isang Heneral na karadapatdapat na ituring na bayani. Malaking ruling ang pelikulang ito para umiral ang nasyonalismo sa napakaraming Pilipino at imulat ang lahat sa mga pangyayari noon na halos kinakalimutan na ng nakakarami.