0
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
1
Korapsyon
1. Mga katanungan: 1.1 Ano ang kaban ng bayan? Para saan? 1.2 Bakit nagkakaroon ng korapsyon? 1.3 Ano ang epekto ng korapsyon? 1.4 Paano nananakaw ang kaban ng bayan? 1.5 Paano matatanggal ang korapsyon?
II. Balangkas 2.1 Isa sa mga itinuturing na dahilan ng di pag-unlad ng bansang pilipinas ang Kakulangan sa pondo, na siyang nagiging mitsa ng di pagkamit sa pangangailangan ng bansa.
2.2 Ito ang kailangan ng bansa upang makamit ang pangangailangan na patuloy na Nadaragdagan sa paglipas ng panahon. Isa ito sa mga pangunahing kailangan Natin upang makamit ang inaasam na pag-unlad.
2.3 Korapsyon. Walang dudang isa itong malaking problema. Sa katunayan, sa realidad ng pulitika sa Pilipinas, isa itong napakalaking problema. Pero sa pagsasabing dahil sa korapsyon kaya tayo naghihirap, mabilis na nalalantad ang kakitiran ng pampulitikang pananaw.
2.4 Ayon mismo sa World bank, umaabot sa 40% kaagad ng pondo ng gobyerno Ang napupunta sa bulsa ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
2
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
2.5 Kung ang korapsyon ay magpapatuloy, ano na lang ang magiging epekto nito sa Atin? Kung patuloy na magkukulang ang pondo sa pagbuo ng mga proyekto na Na dapat ay para sa ikabubuti ng bansa, hindi sa mga tiwaling pulitiko.
III. Panimula 3.1 Ang Korapsyon o Pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang Mga Pilipino. Ito rin ang dahilan kung bakit: Karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at makabagong kagamitan; Mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at pasilidad; Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ating mga kababayan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa epekto ng korapsyon.
IV Layunin 4.1 Layunin ng aming paksa sa pananaliksik na maipaalam na ang korapsyon ay Isang isyung paulit-ulit na naririnig at tinatalakay, at nananatiling normal na pangyayari. Nais naming imulat ang pananaw na ang korapsyon ay isang napakalaking isyu na dapat ay pagtuunan ng pansin. Wag mag bulag-bulagan sa mga pangyayari sa ating lipunan. Nararapat lamang na sila ay managot at makuha ang hustisya sa pondong ninakaw nila.
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAGAARAL
3
4
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
Hindi Mawawala kahit kalian ang Korapsyion sa ating bansa maari lang itong mabawasan ngunit hindi ito nawawala. Sapagkat tayo rin ang pumipili ng taong magnanakaw sa atin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging tapat sila sa ating bayan.
A. Ano ang Kaban ng Bayan? Para saan?
Ang kaban ng bayan ay nangangahulugang ay kayaman ng bayan kung saan dito nilalagay ang mga buwis na naibibyad ng mga tao. Ginagamit ito upang
matustusan
ang
pangangailangan
ng
isang
bansa
upang
makapagtaguyod ng mga proyekto na mapapaunlad ng ating bansa.
B. Bakit Nagkakaroon ng Korapsyon?
Nagkakaroon ng korupsyon sa ating pamahalaan dahil sa pansariling interest at pangangailang pinansiyal. Minsan kung sino pa ang nasa mataas na posisyon sa gobyerno ay sila pa ang gumagawa nito. Dahil hindi sila natatakot na mahuli dahil sila ay may kapangyarihan at maari nilang takutin kung sino man ang magsusuplong sa kanilang masamang gawain sa awtoridad. (Anne Marie 2011)
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
5
Ang korupsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. Napakatagal na panahon na na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.” Halos maging synonyomous na nga ang dalawa. At hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang “pulitika” at “gobyerno”, pumapasok at pumapasok pa rin ang salitang “korapsyon.”
C. Ano ang Epekto ng Korapsyon?
Ito ang mga naiidulot ng Korapsyon. Una na rito ang pagpapalala ng kahirapan sa ating bansa. Pangalawa naghahadlang sa pagunlad ng bansa. Pangat ay ang pagkawala ng tiwala ng mga tao sa mga na sa itaas. Iyan ang mga epekto ng korasyon at kapag hindi tumigil ang pagkokorap ng mga na sa itaas baka mas malala pa ang mangyare sa ating bansa at mamayan.
D. Paano nanakaw ang kabn ng bayan?
Dahil nga na sila ang nakaupo nagagawa nila kung ano gusto nila, Nagkakarron ng mga sabwatan sa pagnanakaw sa kayaman ng bayan, dahan dahan nila pinagnanakawan upang dumami ang kanilang mga kayamanan. Habang patagal ng patagal palaki rin ng palaki ang sabwatan sa pagnanakawan.
6
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
E. Paano Matatangal ang Korapsyon?
Ang korapsyon kasi ay wala sa macro level, ito ay nasa micro level. Ang korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi matatagpuan sa indibidwal na tao. Ang bawat isa sa atin ay may “potency” o kakayahan para magkaroon ng korapsyon. Lahat tayo ay may pananagutan sa sugat sa sistema na ito.
Ang simpleng pagbibigay ng lagay para makalusot at mapabilis ang transaksyon, ang simpleng pagkuha ng office supplies, ang simpleng paglapastangan sa public property, ito ay maliit na form ng corruption. Puwede kang maniwala, puwedeng hindi.
Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao. Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. Kung lahat tayo ay magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat tayo ay magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo natin ang korapsyon.
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
KABANATA III LAGOM
7
8
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
Ang Korapsyon o katiwalian ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korapsyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan. Ito ang pangunahing pokus ng aming pananaliksik.
Mga gawaing halimbawa ng korapsyon:
Pang-aabuso sa kapangyarihan
Pakikipagsabwatan
Pandaraya sa halalan
Pagnanakaw ng kabang yaman ng bansa
Panunuhol at pagtanggap ng suhol
Pagtangkilik o Padrino
Pangingikil
Ang Pondo ay tumutukoy sa halagang nalilikom ng ating pamahalaan na nagmumula sa ibat-ibang paraan. Ngunit taliwas sa ating kaalaman na ito ay para
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
9
lamang sa ikabubuti at ikauunlad ng ating bansa. Nakakalungkot isipin na marami ang umaabuso nito. At ginagamit sa pansariling kapakanan ng mga tiwaling pulitiko.
Layunin ng aming pananaliksik na sa isyung paulit-ulit na tinatalakay ay mamulat pa rin ang ating mga kababayan na may magagawa pa tayo.
Ayon sa aming naunang ulat na pananaliksik. Ang Korapsyon ay hindi mawawala kahit kailan sa ating bansa maari lamang itong mabawasan. Sapagkat tayo rin naman ang pumipili ng mga taong magnanakaw sa atin. At hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging tapat sila sa kanilang serbisyo.
At isa rin sa pangunahing layunin ng aming pananaliksik ay ang pagsugpo ng nasabing korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao. Tayong lahat ay may kakayahan na sugpuin ang korapsyon. Kung lahat tayo ay magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat tayo ay magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo natin ang korapsyon.
Nangangahulugan ito na hindi dapat natin iasa lahat sa pamahaalan ang pagsugpo sa korapsyon. Kailangan nating ibigay ang ating kooperasyon upang makabuo ng isang mas malakas na samahang lalaban sa katiwalian. Upang makamit ang minimithing kaunlaran.
10
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
KABANATA IV Konklusyon
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
11
Sa aming naunang pananaliksik. Napagkaalaman ng aming grupo na ang sinasabing korapsyon ay isang gawaing kawalan ng katapatan. Na kung saan ay nag pokus ang mga mananaliksik sa korapsyon sa pulitika. Na inaabuso ang kani-kanilang mga kapangyarihan para sa pansariling kapakanan. Ilan lamang sa aming natuklasan ang mga pangunahing impormasyon:
Hindi na matatapos ang korapsyon. Ito lamang ay maaaring mabawasan, kung tayo ay magtutulungan.
Ang korapsyon ay naka ugat na sa sistema ng pulitika dito sa pilipinas.
Ang korapsyon ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit naghihirap ang mga pilipino.
Ang korapsyon ay isang malubhang suliranin ng ating bayan. Marami na ang nagdaang istrasyon ngunit patuloy pa rin ito.
Tayo ang pumipili ng mga magnanakaw sa atin.
Marami sa ating mga kababayan na ang pananaw kung bakit hindi umuunlad ang bansang Pilipinas ay dahil sa korapsyon.
Ang korapsyon kung hindi ito sa pulitika, maaaring matawag ito kung ikaw ay walang katapatan at integridad sa iyong ginagagawa. Hindi lamang ito sa pagnanakaw ng pondo ng bayan ngunit saklaw din nito ang mga maliliit na pondo o kahit anong pagnanakaw sa kaban ng isang bagay o mga tao.
12
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
Base rin sa aming pananaliksik, Minsan ang korapsyon ay isang bagay na hindi maiiwasan kahit sa sino mang matapat na pulitiko. At kahit makulong pa ang ilan sa kanila. Paulit ulit pa rin ang nangyayari.
Rekomendasyon Nais lamang namin na maihatid sa lahat na, malaman kung ano ba talaga ang nasabing korapsyon. Na isang isyung paulit-ulit na tinatalakay ngunit nananatiling bulag ang ating mga kababayan sa paghanap ng paraan at sa pakikipagtulungan. Nais lamang namin na sila ay mamulat sa nangyayari sa ating bayan. At maipakita na may magagawa pa tayo.
Kahit sa ordinaryong mamamayan ng ating bansa. Nawa‟y namulat namin kayo na kahit sa isang simpleng boto. Ito ay makakaapekto sa ating kinabukasan. Na tayo rin ang pipili ng mga taong magnanakaw sa atin. Kaya sa isang boto, sa atin nakasalalay ang mga magiging mga pulitiko.
Sa mga estudyante, batid namin na wala ito sa mga katayuan sa bayan. Tandaan tayo ang itinuturing na pag-asa ng bayan. Tayo ay may mga „boses‟ na magsisilbing instrumento sa pag-abot sa inaasam na pag-unlad.
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
13
Sa mga pulitikong nais lamang ang magnakaw sa kaban ng bayan. Nawa‟y kung hindi man kayo mapanagot sa korapsyon, tandaan na hindi lamang ang batas ang maaaring manghusga sa inyo. May nakakakita ng katotohanan at siya na ang bahala sa inyo. Pati na rin sa mga nananatiling tapat, siya na rin ang bahala sa inyo.
14
Korapsyon
(Pananaliksik sa Filipino)
Bibliograpiya http://juanrepublic.tumblr.com/post/545489249/aalisin-ko-ang-korapsyon https://bayangpilipinas.wordpress.com/2014/07/13/ang-korapsyon-sa-pilipinas/ http://www.remate.ph/2011/04/gutom-na-nilalamangan-pa/ https://www.facebook.com/kilusanpilipinas/posts/547387335316210 http://pilipins.wordpress.com/category/korapsyon/ http://tl.wikipedia.org/wiki/Korupsiyon http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_kaban_ng_bayan http://annamarie-luis.blogspot.com/2011/10/korupsyonsakit-sa-pamahalaan.html http://tl.answers.com/Q/Epekto_ng_korupsyon http://juanrepublic.tumblr.com/post/545489249/aalisin-ko-ang-korapsyon