Mga proyekto ni Manuel Roxas Si Roxas kasama ni Sergio Osmeña ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na misyong OsRox (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa sarili ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Hare–Hawes–Cutting Act. Noong Disyembre 1932, nakatagpo ang mga dating Pangulo ng Pilipinas na sina Osmeña at Roxas ng mga kakampi sa katauhan ni Harry Hawes, Bronson Cutting, at Butler Hare ng Kongreso ng Estados Unidos na nagpanukala ng Batas Hare-HawesCutting. Dumaan sa matinding pagsusuri ng Kongreso ang nasabing panukalang batas. Makaraan ang halos walong buwan, naipasa rin ito. Itinatadhana ng batas ang pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas pagkaraan ng sampung taon, ang pagtanggap sa Estados Unidos ng 50 Pilipinong migrante taun-taon, at unti-unting pagpapataas ng taripa sa mga produkto ng Pilipinas. Ngunit ito ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni Manuel L. Quezon. Si Quezon ay nanguna sa isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Tydings–McDuffie na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas
Ilang buwan matapos ang pag-umpisa ng kanyang termino, naiproklama ang Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos. Ito ang dahilan kung bakit si Roxas ay tinaguriang huling pangulo ng Commonwealth at unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Lugmok sa problema ang bansa sa pag-uumpisa ng kanyang panunungkulan. Matindi ang tinamong pinsala ng bansa sa giyera. Sa pamamagitan ng ayuda mula sa United Nations at pag-utang sa Estados Unidos, nasimulan agad ang mga proyekto para sa muling pagsasaayos ng mga nasirang istraktura tulad ng mga kalsada at paaralan. Sa nistrasyon din ni Roxas nagbuo ang konsepto ng pagtatatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang mapayabong ang ekonomiya ng bansa. Dagdag pa r’yan, tinutukan din ni Roxas ang Sektor ng Agrikultura. Ipinroklama niyang gawing epektibo sa buong bansa ang Rice Share Tenancy Act of 1933, na sinusugan ng Republic Act 1946 o ang Tenant Act. Ipinagkaloob din ni Roxas ang amnestiya sa lahat ng mga kinasuhan at sinasabing nakipagsabwatan sa mga Hapon, kabilang na si dating Pangulong Jose P. Laurel.
Ang parity clause ay nangangailangan ng amiyenda sa ika-13 artikulo ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 na nagrereserba lamang para sa mga Pilipino sa paggamit ng mga natural na mapagkukunan ng Pilipinas. Ang amiyenda ay matatamo lamang sa pagpapatibay ng 3/4 ng mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado at isang plebisito. Ang pagtanggi sa pagbibigay ng mga upuan sa anim na kasapi ng maka-kaliwang Democratic Alliance at tatlong kasapi ng partido Nacionalista dahil sa pandaraya at marahas na pangangampanya ay pumayag kay Manuel Roxas na makuha ang pagpapatibay ng parity clause ng lehislatura.[2] Ang parity clause ay kinondena ng mga makabayang Pilipino. Ang Bell Trade Act ay nagtapos noong 1954 at pinalitan ng binagong kasunduang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas o ang Kasunduang Laurel-Langley noong 1955.
Ang desisyong ito ni Pangulong Roxas ay nagbunga ng muling pagkakaisa ng mga Pilipino. Bagama’t pagbangon ang naging tema ng bawat pagkilos ng istrasyong Roxas, binalot naman ito ng mga kontrobersiya. Kabilang dito ang kurapsyon sa kanyang pamahalaan at ang
pang-aabuso ng militar sa kanayunan na nagpaigting muli sa kilusang makakaliwa – ang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o HUKBALAHAP, na pinamumunuan ng kanilang supremong si Luis Taruc. Sa kasaysayan, ang dalawang problemang ito ang naging mantsa sa magandang pamamalakad sa kanyang gobyerno. Hindi natapos ni Pangulong Roxas ang kanyang termino. Noong ika-15 ng Abril 1948, matapos ang kaniyang talumpati sa Clark Field, Pampanga, inatake sa puso si Roxas at namatay sa araw ding iyon.