Pang-abay Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pangabay. Ang pang-abay at pang-uri ay kapwa mga salitang naglalarawan. Ang pang-uri ay naglalarawan ng mga pangngalan at panghalip samantalang ang pang-abay ay naglalarawan hindi lamang ng mga pandiwa kundi gayundin sa mga pang-uri at kapwa nito pang-abay. Ito ay nahahati sa iba’t ibang uri. Mga Halimbawa: A. Mabilis na manlalaro si Lydia de Vega. B. Mabilis siyang tumakbo noong siya'y bata pa. Sa unang halimbawa, ang salitang mabilis ay naglalarawan sa salitang manlalala na isang pangngalan samantalang sa pangalawang halimbawa, ang mabilis ay ginamit n panuring sa salitang tumakbo na isang pandiwa. Samakatuwid ang salitang mabilis ay maaring maging pang-uri o pangabay ayon sa pananalitang nilarawan nito. Ano ang pang-abay? What is an adverb? Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pandiwa. An adverb is a part of speech that modifies a verb.
Mga Uri ng Pang-Abay Kinds of Adverbs pang-abay na pamanahon adverb of time pang-abay na panlunan adverb of place pang-abay na pamaraan adverb of manner pang-abay na panggaano adverb of number pang-abay na panulad adverb of comparison pang-abay na pananong interrogative adverb pang-abay na panang-ayon adverb of agreement / affirmation pang-abay na pananggi adverb of disagreement / negation pang-abay na pamitagan adverb of respect pang-abay na pananggi adverb of disagreement / negation
pang-abay na pang-agam: nagsasaad ng di-katiyakan o pag-aalinlangan pang-abay na panunuran: tumutukoy sa sunud-sunod na hanay o kalagayan pang-abay na panturing: nagsasaad ng pagtanaw ng utang na loob
Mga Uri ng Pang-abay Mga Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
May pananda Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Halimbawa Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw? Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan
Walang pananda Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.
Halimbawa: Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino. Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40 na kaarawan.
Nagsasaad ng dalas Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb. Halimbawa: Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan. Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang kalusugan.
2. Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip. Kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao. Halimbawa: Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina. Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa iyong kaarawan.
3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng. Halimbawa: Kinamayan niya ako nang mahigpit. Bakit siya umalis na umiiyak? Tumawa siyang parang sira ang isip.
4. Pang-abay na pang-agam – nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb. Halimbawa: Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan. Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.
5. Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb. Halimbawa: Oo,asahan mo ang aking tulong. Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan. Sadyang malaki ang ipinagbago mo.
6. Pang-abay na pananggi – nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw. Halimbawa: Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser. Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.
7. Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o magkano. Halimbawa: Tumaba ako nang limang libra . Tumagal nang isang oras ang operasyon.
8. Pang-abay na pamitagan – nagsasad ng paggalang. Halimbawa: Kailan po kayo uuwi? Opo, aakyat na po ako
9. Ingklitik o paningit – mga katagang lagging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan
- Mayroong 16 anim na ingklitik sa Filipino ba
daw/raw
pala
man
kasi
din/rin
tuloy
muna
kaya
naman
nga
pa
na
yata
lamang/lang
sana
10. Pang-abay na kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa
-Pinangungunahan ng kung, kapag o pag at pagka
11. Pang-abay na kusatibo – tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa
- Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa
12. Pang-abay na benepaktibo – tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng pandiwa.
13. Pang-abay na pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil o ukol
Panghalip Panao: Panauhan, Kailanan, at Kaukulan Ang panghalip panao ay mga panghalip na inihahalili sa ngalan ng tao:
1.
Panauhan – taong tinutukoy ng panghalip
Unang panauhan --------------------------nagsasalita Ikalawang Panauhan --------------------- -kinakausap Ikatlong Panauhan -------------------------nagsasalita
2.
Kailanan – dami o bilang ng tinutukoy
Isahan, Dalawahan, maramihan
3.
Kaukulan – gamit ng panghalip sa pangungusap
Palagyo, paukol, paari
Kaukulan
Panauhan/ Kailanan
Palagyo
Paukol
Paari
Isahan Una
Ako
Ko
Akin
Ikalawa
Ikaw, ka
Mo
Iyo
Ikatlo
Siya
niya
Kanya
Una
Kami, tayo
Natin
Atin
Ikalawa
Kayo
Ninyo
Inyo
Ikatlo
Sila
Nila
Kanila
Una
Kami, tayo
Naming, natin
Atin, amin
Ikalawa
Kayo
Ninyo
Inyo
Ikatlo
Sila
Nila
Kanila
Dalawahan
Maramihan
Ang Panghalip ay ang salitang panghahalili o pamalit sa pangngalan. Ito ay tinatawag naPronoun sa wikang Ingles. Panao ang tawag sa panghalip na pamalit o panghalili sa pangngalang tao. Ang panghalip na panao ay ipinapalit sa taong nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan. Ito ay maaring isahan o maramihan Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan Una ako, ko, akin, kata kita, amin, natin, atin tayo, kami, naming, atin Ikalawa iyo, mo, ka, ikaw kayo, inyo, ninyo kayo, inyo, ninyo Ikatlo kaniya, siya, niya nila, sila, kanila nila, sila, kanila
Kung saan ang: Unang Panauhan — tumutukoy sa tagapagsalita. Ikalawang Panauhan — tumutukoy sa kinakausap. Ikatlong Panauhan — tumutukoy sa pinag-uusapan. Datu Kalantiaw panghalip na ipinapalit o ihinahalili sa pangngalang bagay o lugar na itinuturo. Halimbawa, Ang ito, iyan at iyon ay mga panghalip na pamatlig na pambagay Ang dito, diyan at doon ay mga panghalip na pamatlig na panlunan. Ginagamit ang: Ito – kung hawak o malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo Iyan – kung hawak o malapit sa kinakausap ang bagay na itinuturo Iyon – kung ang itinuturong bagay ay malayo sa nag-uusap Dito – kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa nagsasalita Diyan – kung malapit sa kinakausap ang lugar na itinuturo. Doon –kung ang lugar na itinuturo ay malayo sa nag-uusap Ang dito, diyan at doon ay nagiging rito, riyan at roon kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig sa mala-patinig na w at y. Halimbawa: parke roon; bahay rito Kinalalagyan Paturol Paari Patulad Pahimaton Malapit sa nagsasalita ito,ire,dito nito, nire ganito,ganire eto, heto Malapit sa kausap iyan niyan ganyan hayan, ayan Malayo sa kausap iyon niyon ganoon hayun, ayun Panaklaw Ito ay nagsasaad ng dami o kalahatan. anuman, kaninuman, lahat, bawat-isa, alinman, sinuman, pulos, madla, iba Nakahilig na pantitik halimbawa:Lahat tayo ay magtutulungan. Panghalip na kaukulan Palagyo Ito ay kapag ginagamit ang panghalip bilang simuno. Panauhan Una Ikalawa Ikatlo Unang Panauhan ako kata kami Ikalawang Panauhan ka ikaw kayo Ikatlong Panauhan siya sila Halimbawa: Ako ang magluluto. Ikaw ang magluluto. Siya ang magluluto.
Paari Ito ay nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay. Unang Panauhan akin, ko, amin, atin, naming, natin Ikalawang Panauhan mo, iyo, ninyo, inyo Ikatlong Panauhan niya, kaniya, nila, kanila Halimbawa: (Pauna) Ang inyong damit ay nalabhan na. (Pahuli) Ang damit mo ay nalabhan na. Palayon Ito ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak. Halimbawa: Si Jenny ay nakasakay ko. Pinakain nila ang mga tuta. Mga Gamit ng Panghalip Panaguri ng Pangungusap Halimbawa: Ang pera ay kanya. Ang bola ay kanila. Panuring Pangngalan Halimbawa: Ang ganiyang tatak ng relo ay maganda. Ginagamit bilang Pantawag Halimbawa: Ikaw, umalis ka na. Kayo, hindi ba kayo sasama? Sila , hindi pa ba sila kakain? Bilang Kaganapang Pansimuno Halimbawa: Tayo ay kakain na. Iyan ang gagawin mo. Bilang Layon ng Pang-ukol Halimbawa: Nagluluto si Diane para sa inyo. Para sa kanila ito. Sa kanila itong proyekto na ito. Tagaganap ng Pandiwa sa Balintiyak na Ayos Halimbawa: Inabutan niya sila ng pagkain. Ang relo na binili mo ay maganda.