Yamang Likas Yamang Tubig
Ang
ating yamang tubig ay higit na malawak kaysa sa ating yamang lupa. Ito ay tinatantyang may 1 666 300 km2 ang lawak. Humigit- kumulang sa 70% ng produksyon ng isda ay buhat sa Gitnang Luzon, Kanlurang Visayas at Timog Luzon, kasama na rin ang baybayin ng Sulu, Zamboanga at Maynila.
Pakinabang Maraming
pakinabang ang yamang tubig sa atin. Dahil sa yamang tubig, nagkakaroon ng hanap buhay ang mga mamamayan, lalo na ang mga naninirahan malapit sa karagatan.
Ang
halimbawa nito ay ang pangingisda. Sa pangingisda, nakakukuha ng mga isda para magsilibing pagkain para sa mga mamamayan. Nakakapag export din ng mga isda sa iba’t ibang sulok ng mundo.
Ang
Pilipinas ay kilala sa ngayon bilang world’s largest producer ng tilapia. Noong 1993, ang ating bansa ay nakapagprodyus ng mahigit sa 96, 000 metro tonelada (MT) ng tilapia na naging dahilan upang tayo ang manguna at lampasan ang produksyon ng China.
Ang
yamang tubig sa ating bansa ay nakakapag pataas din sa turismo ng bansa. Maraming mga dayuhan ang mga nagpupuntahan sa mga magagandang beach resort dito sa ating bansa. Nagsisilbi rin itong tirahan ng mga ‘endangered species’ gaya ng butanding
Ang
ating mga yamang tubig ay nagagamit din bilang mga panggamot sa mga kasakitan gaya ng mga bukal o hot spring. Isang halimbawa nito ay ang Tiwi Hot Springs na isang tourist spot sa ating bansa.
Mga Suliranin Polusyon-
ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng mga basura ay isa sa mga sanhi ng polusyon ng yamang tubig. Ang pagtatapon ng mga industrial wastes ay nagbubunga rin ng pagdumi ng mga ilog at dagat. Ito ang sanhi ng pagkakaroon ng red tide dulot ng baktirya na tinatawag na dinoflagellates
Pagkamatay ng maliliit na isdaang paggamit ng mga pinong lambat, dinamita, kuryente at labis na pangingisda ay nagbubunga ngpagkamatay ng maliliit na isda na hindi pakikinabangan.
Ang
mga gawaing ito rin ang sanhi ng pagkaubos o pagkawala ng mga coral reefs sa ating mga karagatan.
Kakulangan ng kaalaman ng mga mangingisda- ang karunungan sa teknolohiya, pangangalakal at kasanayan ay hindi sapat upang mapaunlad nang husto ang industriya ng pangingisda.
Kakulangan sa mga batas na mangangalaga at magbibigayproteksyon- dahil sa wala pang mamamayang napaparusahan bunga ng paggmit ng dinamita at pinong lambat, kaya patuloy itong ginagawa ng mga mangingisda.
Pag- uugali ng tao- ang kawalan ng malasakit ng tao upang pangalagaan ang mga anyong tubig na ginagamit sa pamumuhay at hanapbuhay ang sanh ng pagkakaroon ng maraming problema ng yamang ito.
Ang
patuloy na pagsasagawa g mga maling Gawain na nakaaapekto sa kalinisan at kalusugan ng mga yamang tubig ay isang pagpapatunay na hindi alintana ng tao ang ibinubunga ng hndi pagpapahalaga sa likas na yamang- ito.
Mga Programa o Lunas para sa mga Suliranin
R.A 3931 – batas na nagbabawal at nagpaparusa sa sinumang nagtatapon sa tubig na magdudulot ng polusyon sa nasabing likas na yaman.
P.D
948- batas na sumusog sa R.A 3931 at nagbigay daan sa pagtatag ng Pollution Control Law na nagpapasagawa ng pagtitipon at pangongolekta ng mga solidong bagay na itinatapon sa ilog at ibang anyong tubig.
R.A 7160- ang Local Government Code ng Pilipinas na nagpapatupad ng batas sa sanitasyon at kalinisan sa kapaligiran.
Executive Order 54- ang nagtatag ng Pasig River Rehabilitation Commission na ang pangunahing layunin ay linisin, sagipin at buhayin muli ang Ilog Pasig na isang makasayasayang ilog sa ating bansa.
Sanggunian Wikipedia Wikianswers Kayamanan
IV Ekonomiks