MGA LAYUNIN Pagkatapos ng aralin ang mga mag – aaral ay inaasahang:
1. nabibigyang – linaw at kahulugan ang mga di pamilyar na salita mula sa akda, 2. nailalahad ang sariling interpretasyon sa mga pangyayari sa loob ng akda; at
3. napapahalagahan at naiuugnay sa kasalukuyan ang mga pangyayari sa akda.
Pangganyak
IBONG ADARNA:
Si Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe Mga Saknong 007 - 029
Paghawan ng Sagabal
KASINGKAHULUGAN NG MGA SALITA
IBONG ADARNA:
Si Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe Mga Saknong 007 - 029
007
Noong mga unang araw sang-ayon sa kasaysayan sa Berbanyang Kaharian ay may haring hinahangaan
008
Sa kanyang pamamahala kaharia’y nanagana, maginoo man at dukha tanggap na wastong pala
009
Bawat utos ay balakin kaya lamang pairalin, nasangguni’t napaglining na sa bayan ay magaling
010
Kaya sa bawat kamalian na sa kanya’y ipagsakdal bago bigyang kahatula’y nililimi sa katwiran.
011
Pangalan ng haring ito ay mabunying Don Fernando sa iba mang mga reyno tinitingnang maginoo.
012
Kabiyak ng puso niya ay si Donya Valeriana ganda’y walang pangalawa sa bait ay uliran pa.
013
Sila ay may tatlong anak tatlong bunga ng pagliyag binata na’t magigilas sa reyno ay siyang lakas
014
Si Don Pedro ang panganay may tindig na pagkainam gulang nito ay sinundan ni Don Diegong malumanay
015
Ang pangatlo’y siyang bunso si Don Juan na ang puso sutlang kahit na mapugto ay puso ring may pagsuyo
016
Anak na kung palayawa’y sumikat na isang araw kaya higit kaninuman sa ama ay siyang mahal.
017
Salang mawalay sa mata ng butihing ama’t ina sa sandaling di makita ang akala’y nawala na.
018
Sa pag-ibig ng magulang mga anak ay dumangal maagang pinaturuan ng dunong na kailangan
019
May paniwala ang ama na di ngayo’t hari siya maging magmang man ang bunga sa kutya ay ligtas siya.
020
Alam niyang itong tao kahit puno’t maginoo kapag hungkag din ang ulo batong agnas sa palasyo.
021
Kaya’t anong kagalakan ng sa hari ay kinamtan nang ang tatlong minamahal marurunong na tinanghal.
022
Tinawag na’t ang pahayag “Kayong na’t ang mapapalad, angkin ninyo ang mataas na pangalang mga pantas.”
023 Yamang ngayo’y panahon nang kayong tatlo’y tumalaga mili kayo sa dalawa magpari o magkorona
024
Tugon nilang malumanay sa magandang katanungan “humawak ng kaharian bayan nati’y paglingkuran
025
Sa gayon ay minagaling nitong amang may paggiliw tatlong anak ay sanayin sa paghawak ng patalim
026
Taglay ng malaking hilig sa sanaya’y nakasulit ang sandata’y parang lintik espadang nakasasakit
027
Natupad nang lahat-lahat ang sa haring mga hangad ito namang tatlong anak sa ama’y nagpasalamat.
028
Ang kanilang kaharian ay lalo pang nagtumibay walang gulong dumadalaw umunlad ang kabuhayan.
029
Kasayaha’y walang oras sa palasyo’y may halakhak pati ibon nagagalak ang lahat na ay pangarap.
Pangkatang Gawain
Pagpapahalaga
Paglalapat
Pagtataya
Takdang Aralin Panuto: Isulat sa buong papel ang tanong sa sagot na ito.
“Kung ikaw ay magiging magulang, ano ang gagawin mo upang lumaking mabuti at maayos ang iyong nga anak?”
Maraming Salamat!